Magbasa ng Bibliya Araw-Araw

Listen to The Bible in a Year in Filipino by Father Fiel Pareja.

Listen on:

  • Podbean App

Episodes

Wednesday Jan 18, 2023

Dumami nga ng husto ang lahi ni Jacob at Esau. Lumalim ang inggit ng mga kapatid ni Jose kaya tinangka nila itong patayin, ngunit dahil hindi sila makikinabang dito, ipinasya nilang ipagbili nalamang ito sa mga mangangalakal.

Tuesday Jan 17, 2023

Umuwi na ng kanyang sambahayan si Jacob kasama ng kanyang mga asawa at mga anak. Muling nagkita ang magkapatid na Jacob at Esau at napalitan ng tuwa ang takot na nasa puso ni Jacob.

Monday Jan 16, 2023

Parami na ng parami ang lahi ni Jacob, matapos niyang makasiping sina Lea, Raquel at kanilang mga alipin. Nakipagkasundo naman si Jacob kay Laban at siya'y naglingkod dito tsaka bumalik sa lupain ng kanyang mga magulang.

Sunday Jan 15, 2023

Nalinlang ni Jacob ang kanyang ama kaya naigawad sa kanya ang pagpapalang dapat sana'y sa kanyang kapatid na si Esau. Dahil sa banta ng paghihiganti, nagpakalayo-layo muna si Jacob sa kanyang kapatid.

Saturday Jan 14, 2023

Dumating na ang panahon na kung saan pumili na ng mapapangasawa si Isaac at ang kanyang napili't ibinigay ng Diyos ay si Rebeca. Tunay ngang dumami pa ang lahi ni Abraham at patuloy pa itong lumaganap sa sanglibutan.

Friday Jan 13, 2023

Isinilang na ang pangakong sanggol ng Diyos sa mag-asawang sina Abraham at Sara. Nais namang subukin ni Yahweh kung mananatiling tapat si Abraham sa kanya sa pamamagitan ng pag-aalay nito sa kanyang anak na si Isaac.

Thursday Jan 12, 2023

Pinagtibay ng Panginoon ang kanyang pakikipagtipan kay Abram. Mula sa pagpapalit nito ng kanilang pangalang mag-asawa at ang tanda ng pagtutuli sa lahat ng kanyang magiging lahi at kasambahay. Samantala, ipanakilala ni Yahweh na siya ay isang maawain na Diyos sa kanyang pakikipagpalitan ng mensahe kay Abraham kung wawasakin niya ang Sodoma at Gomora kung may natitirang matuwid na tao.

Wednesday Jan 11, 2023

Tinawag ng Panginoon si Abram at pinagpala. Ipinangako ng Diyos na siya ay ang magiging ama ng napakaraming henerasyon at ang angkan niya na magiging sindami ng mga bituin sa langit. Si Yahweh ay nakipagtipan kay Abram at nangako ng pagpapala.

Tuesday Jan 10, 2023

Pinagsisihan ni Job ang lahat niyang sinabi at naging malinaw sa kanya ang dunong ng Diyos. Pagkatapos ng pagsasalita ng Panginoon at pagtatanong sa kanya, mapagkubabang inamin ni Job ang kanyang pagkakamali. Pinatawad siya ng Diyos at biniyayaang muli.

Monday Jan 09, 2023

Hindi na nakatiis ang isang batang nakikinig at siya'y nakapagsalita ukol sa karunungan ng Panginoon na hindi lubusang matalos ng kaisipan nino man. Ipinaliwanag niya ang dakilang disenyo ng Diyos sa sangnilikha at ang dunong ng bawat galaw ng bagay sa daigdig. Ito ay laban sa mababaw na mga salita ni Job ukol sa kanyang sariling karunungan.

Copyright, Churchly Inc. 2023 All rights reserved.

Podcast Powered By Podbean

Version: 20241125