Episodes
![Ikadalawampu’t Siyam na Araw: Nakalaya na ang mga Israelita mula sa Pangaalipin (Exodo 13-15)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Saturday Jan 28, 2023
Saturday Jan 28, 2023
Itinaboy na ng Faraon ang mga Israelita at nakalaya na sila mula sa pangaalipin. Pinamalas ni Yahweh ang kanyang kapangyarihan sa mga Egipcio sa pamamagitan ng mga kababalaghan at paghahati sa dagat.
![Ikadalawampu’t Walong Araw: Ang katapusan ng mga Salot at ang Pista ng Paskuwa (Exodo 10-12)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Friday Jan 27, 2023
Friday Jan 27, 2023
Patuloy ang pagpapadala ng salot ni Yahweh sa Faraon at sa kanyang sambahayan. Ang huling salot ang nagudyok sa Faraon upang itaboy ang mga Israelita. Inilatag ni Yahweh ang taunang pagdiriwang ng paskuwa sa mga Israelita.
![Ikadalawampu’t Pitong Araw: Nagmatigas ang Faraon sa Kahilingan nina Moises at Aaron (Exodo 7-9)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Thursday Jan 26, 2023
Thursday Jan 26, 2023
Patuloy ang pakikipagusap nina Moises at Aaron sa Faraon ayon na rin sa mga sinabi ni Yahweh. Ngunit, hindi pa rin pumapayag ang Faraon na ang mga Israelita ay umalis sa Egipto at sumamba sa Diyos sa ilang.
![Ikadalawampu’t Anim na Araw: Si Moises sa Harapan ng Faraon (Exodo 4-6)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Wednesday Jan 25, 2023
Wednesday Jan 25, 2023
Isinugo ni Yahweh si Moises sa isang misyon upang lumaya na ang mga Israelita mula sa kanilang pagkaalipin sa mga Egipcio. Ngunit, matigas pa rin ang puso ng Faraon at ayaw silang pakawalan.
![Ikadalawampu’t Limang Araw: Ang Pagtawag Kay Moises (Exodo 1-3)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Tuesday Jan 24, 2023
Tuesday Jan 24, 2023
Iba na ang pinuno ng Egipto at hindi niya kilala si Jose at ang kanyang legasiya. Sa kabilang dako, patuloy naman ang pagdami ng lahi ng mga Israelita at ito ay nagbigay takot sa Faraon na baka sila ay sakupin. Si Moises ay tinawag ni Yahweh upang iligtas ang bayang Israel mula sa pagkakaalipin.
![Ikadalawampu’t Apat na Araw: Binasbasan ni Jacob sina Efraim at Manases (Genesis 48-50)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Monday Jan 23, 2023
Monday Jan 23, 2023
Ito na ang huling tatlong kabanata ng aklat ng Genesis. Yumao na si Jacob at maging si Jose ngunit nagpatuloy pa rin ang buhay at paglalakbay ng kanilang angkan sa Egipto.
![Ikadalawapu’t Tatlong Araw: Nagpunta sa Egipto ang Sambahayan ni Jacob (Genesis 46-47)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Sunday Jan 22, 2023
Sunday Jan 22, 2023
Isinugo ni Yahweh si Moises sa isang misyon upang lumaya na ang mga Israelita mula sa kanilang pagkaalipin sa mga Egipcio. Ngunit, matigas pa rin ang puso ng Faraon at ayaw silang pakawalan.
![Ikadalawapu’t Dalawang Araw: Nagpakilala na si Jose sa Kanyang mga Kapatid (Genesis 43-45)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Saturday Jan 21, 2023
Saturday Jan 21, 2023
Hindi lumaon, hindi na matiis ni Jose ang mga pangyayari, kaya ito'y nagpakilala na sa kanila. Nalaman ito ni Faraon, at biniyayaan niya ang mga ito ng mga regalo at pinangakuan ng isang mainam na lupa upang doon na manirahan sa Egipto. Laking tuwa ng malaman ni Jacob na buhay pa ang kanyang anak na si Jose.
![Ikadalawampu’t Isang Araw: Binasa ni Jose ang Panaginip ng Faraon (Genesis 41-42)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Friday Jan 20, 2023
Friday Jan 20, 2023
Nanaginip ang Faraon at naghanap siya ng maaaring bumasa ng mga kahuluhan nito. Si Jose ay ipinatawag at kanya naman itong binasa: magkakaroon ng taon ng kasaganaan at gutom. Noong pati ang mga karatig bansa ng Egipto ay apektado na ng gutom, pumunta ng Egipto ang mga kapatid ni Jose upang bumili ng pagkain.
![Ikadalawampung Araw: Si Jose sa Egipto (Genesis 38-40)](https://pbcdn1.podbean.com/imglogo/image-logo/15810205/magbasa-podcast_nf9y6m_300x300.jpg)
Thursday Jan 19, 2023
Thursday Jan 19, 2023
Si Jose ay napadpad sa Egipto at doon ay naging tapat na lingkod. Siya ay pinagkatiwalaan ng lahat dahil sa tapat niyang tungkulin. Ipinamalas din niya ang kanyang husay sa pagbabasa ng mga panaginip.