Episodes
Tuesday Feb 07, 2023
Tuesday Feb 07, 2023
Iniutos ni Yahweh kay Moises na italaga si Aaron at ang kanyang mga anak bilang mga pari ng sambayan. Ginawa nila ang rituwal ng pagtatalaga katulad ng ipinaguutos ni Yahweh.
Monday Feb 06, 2023
Monday Feb 06, 2023
Iniutos ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai ang mga bagong tuntunin para sa iba't ibang uri ng paghahandog.
Sunday Feb 05, 2023
Sunday Feb 05, 2023
Inilatag ang mga tuntunin para sa mga sumusunod na handog: handog na sinunog, pagkaing butil, pangkapayapaan at kasalanang di sinasadya.
Saturday Feb 04, 2023
Saturday Feb 04, 2023
Naisakauparan na lahat ng mga utos ni Yahweh ukol sa toldang tipanan, luklukan ng awa, santuwaryo at kasuotan ng mga pari at ito ay binasbasan at itinalaga na sa pagsamba sa Panginoon.
Friday Feb 03, 2023
Friday Feb 03, 2023
Nagsimula na ang pagtatayo sa santuwaryo at sa toldang tipanan ayon sa utos ni Yahweh. Ang mga Israelita ay naghandog ng mga kagamitang gagamitin sa pagbuo nito. Pinagkalooban ni Yahweh ang iilang tao ng kakayahan sa sining at sila ang kanyang tinawag para manguna rito.
Thursday Feb 02, 2023
Thursday Feb 02, 2023
Nainip ang mga sa paghihintay kay Moises kaya sila ay gumawa ng diyos-diyosan, isang ginintuang guya. Nagalit si Yahweh sa kataksilang ito at sinubukang magmakaawa ni Moises sa Diyos.
Wednesday Feb 01, 2023
Wednesday Feb 01, 2023
Iginawad ni Yahweh kay Aaron at sa kanyang lipi ang tungkulin bilang pari ng sambayanan. Nagbigay ng tuntunin si Yahweh kay Moises kung papaano ito maisasakatuparan.
Tuesday Jan 31, 2023
Tuesday Jan 31, 2023
Inilatag ni Yahweh ang kanyang plano kina Moises para sa gagawing santuwaryo, altar at tabernakulo.
Monday Jan 30, 2023
Monday Jan 30, 2023
Habang naghihintay sa paanan ng bundok ang mga Israelita at si Moises ay kausap ng Diyos, ipinahayag ni Yahweh ang kanyang mga kautusan: Ang Sampung Utos, Ang Batas sa mga Alipin, Batas Tungkol sa Ninakaw, at Mga Tuntunin sa mga Alipin.
Sunday Jan 29, 2023
Sunday Jan 29, 2023
Hindi pinabayaan ni Yahweh ang mga Israelita sa kanilang paglalakbay patungo sa lupang pangako. Kahit na hindi sumusunod ang mga Israelita ay binibigay pa rin ni Yahweh ang kanilang mga hinihiling.