Magbasa ng Bibliya Araw-Araw

Listen to The Bible in a Year in Filipino by Father Fiel Pareja.

Listen on:

  • Podbean App

Episodes

Friday Feb 17, 2023

Ipinagbigay alam ni Yahweh kay Moises at sa buong Israel ang mga pamantayan sa mga bagay at tao na ituturing na marumi. Inilatag din niya ang mga tuntunin para sa mga gagawa ng panata bilang mga nazareo.

Thursday Feb 16, 2023

Iniutos ni Yahweh na itala lahat ng sambahayan ng Israel ayon sa kanya-kanyang lipi at watawat. Ibinukod ni Yahweh ang mga Levita at hindi ipinatala dahil may partikular na gawain sila sa santuwaryo.

Wednesday Feb 15, 2023

Inilatag ni Yahweh ang mga tuntunin at kautusan sa sambayanang Israel at sinabing, kung sino man ang lalabag ay mapaparusahan. Ibinigay din ni Yahweh ang mga batas tungkol sa mga kaloob par sa kanya.

Tuesday Feb 14, 2023

Ipinagbigay alam ni Yahweh sa bayang Israel ang mga tuntunin para sa mga ilawan ng toldang tipanan at ang mga batas ukol sa alipin at lupain.

Monday Feb 13, 2023

Inilatag ang mga bagay na kinakailangang gawin ng pari, mga bagay na dapat gawing bilang paggalang sa mga handog at mga itinakdang kapistahan ni Yahweh.

Sunday Feb 12, 2023

Inilatag ni Yahweh ang kanyang mga utos at ipinagbigay alam niya ang mga maaaring sapitin ng mga lalabag nito.

Saturday Feb 11, 2023

Mga iba pang tuntunin sa kalinisan at ang pagpapaliwanag sa kasagraduhan ng dugo.

Friday Feb 10, 2023

Inilatag ni Yahweh ang mga tuntunin para sa mga taong maysakit sa balat na parang ketong.

Thursday Feb 09, 2023

Dalawang tuntunin sa paglilinis ang ating babasahin ngayong araw: ang paglilinis ng nanganak at sa mga maysakit sa balat.

Wednesday Feb 08, 2023

Pinarusahan ni Yahweh ang dalawang anak ni Aaron sapagkat sila ay sumuway sa utos ni Yahweh. Samantala, inilatag ni Yahweh ang mga tuntunin sa kung ano lamang ang mga hayop na maaaring kainin ng mga Israelita upang sila ay manatiling malinis.

Copyright, Churchly Inc. 2023 All rights reserved.

Podcast Powered By Podbean

Version: 20241125