Magbasa ng Bibliya Araw-Araw

Listen to The Bible in a Year in Filipino by Father Fiel Pareja.

Listen on:

  • Podbean App

Episodes

Monday Feb 27, 2023

Isinalaysay ang yugto ng paglalakbay ng bayang Israel. Sa araw na ito, nairirnig natin kung papaanong pinaghati rin ang mga lupain para sa bawat lipi ng sambayanan.

Sunday Feb 26, 2023

Ibinigay ni Yahweh ang mga tuntunin sa mga handog, mga dapat gawin ng mga babaeng mangangako at mamamanata sa kanya at ang tagaumpay ng mga Israelita sa kanilang pakikidigma sa mga Midianita.

Saturday Feb 25, 2023

Itinakda na ni Yahweh na ang kahalili ni Moises ay si Josue. Si Josue na ang magiging gabay ng bayang Israel sa kanilang paglalakbay aptungo sa bayang pangako.

Friday Feb 24, 2023

Pinagpala ni Balaam ang Israel at hindi ang bayan ni Balac. Ito ang iniutos ni Yahweh sa kanya, kaya ito ang sinabi niya kay Balec. Ang pagpapala ay sa Israel parin at patuloy na binasbasan ng Diyos ang kanyang bayan kahit na matigas ang mga ulo ng bansang Israel.

Thursday Feb 23, 2023

Patuloy pa rin ang pagrereklamo ng mga Israelita sa kina Moises at Aaron, ngayon, sila naman ay humihingi ng tubig na maiinom nila at ng kanilang mga hayop. Pinagbigyan uli sila ni Yahweh at nagbigay ng panuto kina Moises at Aaron ngunit di nila ito naisakatuparan ng husto. G

Wednesday Feb 22, 2023

Inilatag ni Yahweh kina Moises ang mga gawain ng mga pari sa toldang tipanan mging ng mga Levita.

Tuesday Feb 21, 2023

Naghimagsik ang iilan sa mga Israelita kina Moises at Aaron, kaya sila ay nilipol ni Yahweh.

Monday Feb 20, 2023

Pumili ng labindalawang espiya si Moises at ipinadala sa Canaan para magmanman. Sa kanilang pag-uwi. iniulat nila ang kanilang nakita at natakot ang buong bayang Israel at naghimagsik kay Yahweh.

Sunday Feb 19, 2023

Inutusan ni Yahweh si Moises na magpagawa ng dalawang pilak na trumpeta. Gagamitin nila ito bilang panghudyat sa kanilang paglalakbay at mga pagdiriwang. Sa kabilang banda, nagreklamo naman ang mga Israelita sa kanilang kinakain sa ilang.

Saturday Feb 18, 2023

Itinalaga ang mga Levita at mga anak ni Aaron sa isang maringal na responsibilidad sa santuwaryo. Sila ang natatanging tao na may kakayahang maglingkod sa loob ng toldang tipanan ayon na rin sa kautusan ni Yahweh.

Copyright, Churchly Inc. 2023 All rights reserved.

Podcast Powered By Podbean

Version: 20241125