Magbasa ng Bibliya Araw-Araw

Listen to The Bible in a Year in Filipino by Father Fiel Pareja.

Listen on:

  • Podbean App

Episodes

Thursday Mar 09, 2023

Sinariwa ang mga iba pang tuntunin: ukol sa puri ng babae, kalinisan sa loob ng kampo, at tungkol sa paghihiwalay at pagaasawang muli.

Wednesday Mar 08, 2023

Ipinaalala sa sambayanang Israel ang mga iba't ibang tuntunin: Ang mga lunsod-kanlungan, mga tuntunin sa pakikidigma, at pagpapasya tungkol sa di-malutas na krimen.

Tuesday Mar 07, 2023

Pinaalala sa mga Isarelita ang mga pista para kay Yahweh, isa na riyan ay ang Pista ng Paskwa. Ito ay paalala sa kanila na dati silang alipin sa Egipto ngunit sila ay iniligtas ni Yahweh at inilabas rito.

Monday Mar 06, 2023

Isinalaysay ang ang mga gagawin at gampanin sa tuwing ikapitong taon, ang taon ng pamamahinga ng bayang Israel. tinalakay rito ang ukol sa pagbabayad ng utang at ang para sa mga aliping mananatili sa poder ng mga Israelita.

Sunday Mar 05, 2023

Sinariwang muli ni Moises ang pagsulat ni Yahweh sa ikalawang tapyas na bato ng kautusan. Mahigpit na inihabilin niya na kinakailangan nila itong sundin pagdating nila sa lupang pangako.

Saturday Mar 04, 2023

Sinariwa ni Moises ang kagandahang loob ni Yahweh sa bayang Israel. Kahit na sila y mga taong suwail at matigas ang ulo, sila pa rin ay minahal at pinili ng Diyos.

Friday Mar 03, 2023

Inilatag ni Moises ang sampung utos ni Yahweh para sa sambayanang Israel. Ang mga tuntuning ito ay susundin ng mga Israelita sa lupang pangako, at ito'y ipapasa sa bawat salinlahi.

Thursday Mar 02, 2023

Nalalapit na ang paglisan ni Moises sa mundo, kaya inilahad na niya lahat ng nais niyang sabihin sa bayang Israel. Isa sa pinakahabilin niya ay ang manitiling matapat sa Diyos.

Wednesday Mar 01, 2023

SInariwa ni Moises ang katapatan sa pangako ni Yahweh. Kanyang isinaysay ang kanilang naging paglalakbay at kun papaani sila inalagaan at ginabayan ng Diyos.

Tuesday Feb 28, 2023

Ang dalawang natitirang kabanata ng aklat ng Mga Bilang ay tumutukoy sa paghahati ng lupain para sa mga Levita at mga naiwang babaeng apo ni Jose.

Copyright, Churchly Inc. 2023 All rights reserved.

Podcast Powered By Podbean

Version: 20241125