Magbasa ng Bibliya Araw-Araw

Listen to The Bible in a Year in Filipino by Father Fiel Pareja.

Listen on:

  • Podbean App

Episodes

Sunday Mar 19, 2023

Ipinamahagi naman ang mga lupain na para sa angkan ni Simeon, sa mga Levita at ang mga itinakdang mga pook kanlungan kung sakaling makapatay sila ng di sinasadya.

Saturday Mar 18, 2023

Ang mga lipi ng Israel ay nakatanggap ng mga lupaing pamana nang masakop ang Canaan.

Friday Mar 17, 2023

Hinati at ipinagkaloob na ang mga lupain sa bawat lipi ng Israel. Bawat isa ay nabigyan ng parte ayon sa utos ng palabunutan ni Yahweh.

Thursday Mar 16, 2023

Maraming bansa at hari ang mga natalo ng mga Israelita sa pamumuno ni Josue. Sa tulong ni Yahweh, nagawa nilang nasakop ang mga lupain ng mga kalaban.

Wednesday Mar 15, 2023

Nagkasala si Acan kay Yahweh kaya nadamay ang buong bayan ng Israel. Natalo sila ng mga taga Ai sapagkat di sila tinulungan ni Yahweh dahil sa kasalanan ni Acan. Nanalo lamang sila pagkatapos aminin ang pagkakasala.

Tuesday Mar 14, 2023

Nagsimula ng sumalakay ang mga Israelita sa Jerico. Sila ay nag-ingay gamit ang ugong ng mga trumpeta at malalakas na sigawan upang mawasak ang mga bakod nito.

Monday Mar 13, 2023

Naghanda na sa paglusob ang bayang Israel sa pangunguna ni Josue. Samantala, nagpadala ng espiya si Josue sa Canaan upang magmanman bago sila nagsimulang nanakop.

Sunday Mar 12, 2023

Dumating na ang araw na lumisan na ang nagsilbing pinuno ng mga Israelita, si Moises. Si Josue na ang panibagong maumuno ayon na rin sa utos ni Yahweh.

Saturday Mar 11, 2023

Inilatag ni Moises ang mga kondisyon sa pagsunod sa mga utos ni Yahweh. Pipili ang buong sambayanan, sumpa o pagpapala, kamatayan o ang buhay.

Friday Mar 10, 2023

Sinariwa ang iba pang tuntunin: ang pag-aasawang muli ng Isang biyuda, ang unang bunga at ikasampung bahagi ng mga ani at ang altar sa bundok ng Ebal.

Copyright, Churchly Inc. 2023 All rights reserved.

Podcast Powered By Podbean

Version: 20241125