Magbasa ng Bibliya Araw-Araw

Listen to The Bible in a Year in Filipino by Father Fiel Pareja.

Listen on:

  • Podbean App

Episodes

Wednesday Mar 29, 2023

Isang pangako ang natupad sa sambahayan ni Elkana, iyon ang pagkakaroon ng anak ni Ana na matagal ng hindi magkaanak. Samuel ang pangalan ng bata at bilang panata, inialay nila ito sa templo upang maglingkod kay Yahweh.

Tuesday Mar 28, 2023

Si Ruth ay isang matapat na tao. Sinamahan niya ang kanyang biyenan kahit na namatay na ang anak na asawa nito. Pinagpala naman ni Yahweh si Ruth at nakapangasawa ng panibago sa katauhan ni Boaz.

Monday Mar 27, 2023

May isang levita na nakapangasawa ng isang lingkod. Habang sila ay papauwi papuntang Efraim, nagpahinga sila sa Gebea. Sa kalagitnaan ng gabi, hinalay ang asawa ng levita hanggang manghina at mamatay. Ito ang naging mitsa ng digmaan sa pagitan ng mga ibang lipi ng Israel laban sa mga Benjamenita.

Sunday Mar 26, 2023

Nakilala ni Samson si Delilah. Si Delilah ay nakipagkaisa sa mga FIlisteo para sa isang pabuya malaman lamang ang kahinaan ni Samson.

Saturday Mar 25, 2023

Isnilang si Samson, anak ng mag-asawang Manoa. Siya ay regalo ng Diyos sa kanila sapagkat baog ang isa sa kanila.

Friday Mar 24, 2023

Muli nanamang nagkasala ang mga Israelita kaya may isang pinuno ang lumitaw sa katauhan ni Jefta na anak sa labas ni Gilead sa babaeng nagbebenta ng panandaliang-aliw.

Thursday Mar 23, 2023

Tinalo ni Gideon ang kanilang mga kaaway. Noong yumao na si Gideon, iniluklok bilang hari si Abimelec at pinapapatay niya ang kanyang mga kapatid. Ngunit di naglaon, pinangunahan ni Jotam ang paghihiganti laban kay Abimelec.

Wednesday Mar 22, 2023

Patuloy at paulit-ulit ang pagkakasala ng bayang Israel kay Yahweh. Sila ay natatalo at nabibihag na sa mga kalaban. Ngunit, patuloy pa rin ang pagpapadala ng sugo tulad ni Debora at Gideon sa tuwing sila ay humihingi ng saklolo rito.

Tuesday Mar 21, 2023

Nakalimot ang mga bagong henerasyon ng mga Israelita sa kanilang mga kasunduan kay Yahweh pagyao ni Josue. Ngunit, patuloy namang inililigtas ang mga ito kapag humihingi sila ng tawad at saklolo kay Yahweh.

Monday Mar 20, 2023

Dumating na ang araw na lumisan na si Josue. Siya ay lampas isandaang taon na nabuhay sa mundo at lahat ay naisakatuparan niya batay sa utos ni Yahweh.

Copyright, Churchly Inc. 2023 All rights reserved.

Podcast Powered By Podbean

Version: 20241125