Magbasa ng Bibliya Araw-Araw

Listen to The Bible in a Year in Filipino by Father Fiel Pareja.

Listen on:

  • Podbean App

Episodes

Saturday Apr 08, 2023

Muling binalak na pahuli at patayin ni Saul si David kaya niya ito pinahanap sa kanyang mga kawal. Dumating ang pagkakataon na maaaring patayin ni David si Saul ngunit nangibabaw pa rin sa kanya ang takot sa Diyos at kabutihan.

Friday Apr 07, 2023

Narito pa ang ikalawang bahagi ng mga piling awit ni David sa panahon ng kasakitan, digmaan at kagipitan.

Thursday Apr 06, 2023

Ang mga katha at awit ni David sa panahon ng kagipitan at kapahamakan.

Wednesday Apr 05, 2023

Matapos ang matagal-tagal na pagpapahuli at tangkang pagpatay ni Saul kay David, sila ay nagkasundo na. Hindi pinatay ni David si Saul kahit ito ay may pagkakataon na.

Tuesday Apr 04, 2023

Patuloy ang inggit at galit ni Saul kay David kaya nais niya itong ipahuli at patayin. Nangako naman si Jonatan na kahit anong mangyari sila ay mananatiling tapat sa kanilang pangako.

Monday Apr 03, 2023

Pinanghinaan ng loob ang mga Israelita dahil sa pangunahing mandirigma ng mga Filisteo na si Golait. Siya ay matapang at kinatatakutan ng lahat at walang sino man ang nangahas na siya ay kalabanin. Sa patnubay ni Yahweh, tinalo ni David ang higante.

Sunday Apr 02, 2023

Nagkasala si Saul kay Yawhe kaya siya itinakwil ni Yaweh bilang hari ng Israel.

Saturday Apr 01, 2023

Sa harapan ng buong bayan ng Israel, iniluklok bilang hari si Saul. Ito ang hiningi ng bayan kay Yahweh at sila naman ay pinagbigyan.

Friday Mar 31, 2023

Nagmatigas ang bayang Israel at sila ay humihingi ng hari kay Samuel. Ito ay isinagguni ni Samuel kay Yahweh at inaprubahan naman niya ito ngunit may mga kondisyong kaakibat.

Thursday Mar 30, 2023

Naagaw ng mga Filisteo ang kaban ng tipan ni Yahweh dahil natalo ang mga Israelita. Ngunit pinarusahan ni Yahweh ang mga sakop nito kaya sapilitan na nila itong ibinalik sa mga Israelita.

Copyright, Churchly Inc. 2023 All rights reserved.

Podcast Powered By Podbean

Version: 20241125